October 14, 2009
judgment day
ito na cguro ang araw na pinakahihintay ko.
10:30am umalis ako sa bahay
kikitain ko ang kalabit para samahan ako sa ikatlong stage ng mission ko
sa dating tagpuan
711
bago pumunta ng espania
dumaan muna kami ng UP
para magpasa ng requirements sa TANGHAL
ndi ko alam
pero hindi ako kinakabahan o na-eexcite man lang
kahit kagabi
agad akong nakatulog
cguro gawa din ng pagod.
malakas ang ulan
baka may nais sabihin
pero ndi ko pinakinggan
2muloy kami
pag dating sa espania
VICENTE CRUZ
sumakay kami ng jeep papuntang balic balic
ayon sa napagtanungan ni pare ko
dadaan daw ito sa D. Santiago Street
ang kantong nakalagay sa address nia na nakuha sa Manila Police District
Hindi kami nahirapan
natungtung namin ang bahay nia
Dahil na rin cguro sa tagal na nilang nakatira doon
ay kilala na ang apelido nila
PULANG GATE
e2 na nga.
ai: dito po ba nakatira si romeo cabarlo?
babae: bakit?
tian: may itatanong lang po sana kami
babae: d2 nga. ano kailangan nila?
(hindi kami nakasagot, nagtinginan nalang kami)
(napahinto ang babae. umakyat sa taas)
(mamaya ay may dumungaw sa veranda)
babae 2: ano kailangan nila? asawa ako ng hinahanap nio.
(matapos ko sya tingnan nagdalawang isip ako. akala ko pa ng una ay mali ang bahay na napuntahan namin. ndi na ako makapagsalita. nauutal. ndi ko alam kung paano sasabihin pero alam ko kung ano ang gus2 kong sabihin. sa itsura nia ay ndi maaring xa ang asawa ng tatay ko. bata xa. mukang nasa 30+ palang. muli kaming nagtinginan lang ng kalabit penge. nakaramdam ang babae at nagsalita)
babae 2: sino ba hinahanap nio? si junior? or senior?
(nabuhayan ako. at agad na sumagot.)
ai: senior po.
babae 2: ay wala na si papa. patay na. mga isang taon na.
- - - - - - - - -
para akong bumangga sa pader.
lahat ng paghihintay ko..wala
ndi na kita makikita
ndi na kita mayayakap
ndi ko na mapagmamalaki sayong top ako sa klase
ndi na kita mababti 2wing father's day
galit ako sayo.
sbi ko hintayin mo ako e
dba sabi ko magkikita tayo?
bakit ndi mo ko hinintay?
1 year
5 months
16 days
akong na-late
nasaan ba ako ng APRIL 29, 2008?!
bakit ndi mo sinabing aalis ka na?
ndi ba 22o yung mga nasa tv?
yung may mababasag na baso
o mahuhulog na picture frame
pag may nangyaring masama
sa taong importante sayo?
wala akong araw na gus2ng balikan dati
pero ngaun. sana dalawin ako ng kung cnu mang fairy
na makakapagbalik sakin sa april 28, 2008
sana nayakap kita, sana nagkita pa tayo.
higit sa lahat
galit ako sa sarili ko
bakit ngaun lang kita hinanap?
bakit ba naun lang ako nagkalakas ng loob na hanapin ka
kung kelan huli na ang lahat para satin.
habang buhay kong pagsisihan ito
napakalapit mo lang.
sampaloc manila
bakit di kita nagawang puntahan dati?!
"THE SEARCH IS OVER,
YOU WERE WITH ME ALL A WHILE."
sana ngaun wala ka na sa mundo
alam mu na kung nasaan ako
masaklap ang mundo. ndi nia tayo pinagtagpo
pero alam ko, magkikita pa tayo
ndi lang ngaun
tatang, lagi mo akong babantayan ah.
alam ko nasa tabi lang kita
pinagmamasdan mo ko. nakangiti..
ngaun, maicecelebrate ko na ang birthday mo
AUGUST 8
dba?
may ipagluluksa na din ako 2wing undas..
pasenxa na tinago ako sau ni mama
pasenxa na ndi kita hinanap agad.
pasenxa na din hindi kita madadalaw sa ngaun
anlayo kasi ng pinaglibingan sayo
sa pangasinan pa.
pero wag ka mag-alala
dadalawin kita isa sa mga araw ng buhay ko.
tatang, mahal na mahal kita...
paalam.
- - - - - - - - - - - -
MISSION 11704
11704 = JANUARY 17, 2004
*araw na huli ko syang nakausap sa cellphone. nagulat ako dahil nakuha nia number ko. naiyak ako, alam ko sa tuwa un. ang mali ko lang. cnabi ko kay mama. nagalit xa at ginupit ang simcard ko sa harap ko. simula noon ndi ko na xa nakausap o nakita man lang.
*huling araw na nagkaroon kami ng koneksyon.
*14th birthday ko
- - - - - - - - - - - -
SALAMAT
sa lahat ng 2mulong sakin sa mission ko
KALABIT PENGE (tian, pare, nirih, jaja, at si pek kahit na ndi nagpaparamdam)
sa LAHAT ng nag-offer na samahan ako sa bawat phase ng mission ko
KUYA CARLO
ANGELO
JOKO
pasenxa na ndi ku kayo nasama. auko lang kasi makaabala. anlayo pa ng bbyahiin niu para masamahan ako e. ramdam ko naman na anjan kayo..
sa LAHAT ng nagGOODLUCK
TANGHALANG BATINGAW
BATCH30
CZA
JOHN-RAY
HOTSHOTS
maraming salamat
sa LAHAT ng dumamay sakin nung umiiyak ako
JESSA
BUEN
KALABIT PENGE
at marami pa..
salamat sa balikat at panyo.
at sa lahat ng bumasa sa kwento ko.
SALAMAT.
alam ko luma na itong pangaral na toh
pero iba pala pag sayo nangyari
-wag mong palagpasin ang isang araw ng hindi nasasabi sa taong mahal mo na mahal mo sya. dahil hindi mo alam baka huli na ang lahat sa oras na gus2 mo ng sabihin at ipadama sa kania.-
may dalawa akong blog na ginawa para saknia dati pa
kung gus2 mong basahin ito xa.
dadaanin ko nalang sa kanta
covet
- - - - - - - - -
masayahin akong tao
pero siguro bawat tao may drama sa buhay.
ito ang drama ko.
ano ang sayo?
PeanutButter
- Ai Marie
- Manila, Philippines
- She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.
Wednesday, October 14, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
,,nkaka-sad' but very INSPIRING... thank you for the inspiration' :))
Post a Comment