PeanutButter

My photo
Manila, Philippines
She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.

Wednesday, October 14, 2009

MISSION 11704: PHASE 3 "THE FINAL PHASE"

October 14, 2009
judgment day

ito na cguro ang araw na pinakahihintay ko.
10:30am umalis ako sa bahay
kikitain ko ang kalabit para samahan ako sa ikatlong stage ng mission ko
sa dating tagpuan
711

bago pumunta ng espania
dumaan muna kami ng UP
para magpasa ng requirements sa TANGHAL

ndi ko alam
pero hindi ako kinakabahan o na-eexcite man lang
kahit kagabi
agad akong nakatulog
cguro gawa din ng pagod.

malakas ang ulan
baka may nais sabihin
pero ndi ko pinakinggan
2muloy kami

pag dating sa espania
VICENTE CRUZ
sumakay kami ng jeep papuntang balic balic
ayon sa napagtanungan ni pare ko
dadaan daw ito sa D. Santiago Street
ang kantong nakalagay sa address nia na nakuha sa Manila Police District

Hindi kami nahirapan
natungtung namin ang bahay nia
Dahil na rin cguro sa tagal na nilang nakatira doon
ay kilala na ang apelido nila

PULANG GATE
e2 na nga.

ai: dito po ba nakatira si romeo cabarlo?

babae: bakit?

tian: may itatanong lang po sana kami

babae: d2 nga. ano kailangan nila?

(hindi kami nakasagot, nagtinginan nalang kami)

(napahinto ang babae. umakyat sa taas)

(mamaya ay may dumungaw sa veranda)

babae 2: ano kailangan nila? asawa ako ng hinahanap nio.

(matapos ko sya tingnan nagdalawang isip ako. akala ko pa ng una ay mali ang bahay na napuntahan namin. ndi na ako makapagsalita. nauutal. ndi ko alam kung paano sasabihin pero alam ko kung ano ang gus2 kong sabihin. sa itsura nia ay ndi maaring xa ang asawa ng tatay ko. bata xa. mukang nasa 30+ palang. muli kaming nagtinginan lang ng kalabit penge. nakaramdam ang babae at nagsalita)

babae 2: sino ba hinahanap nio? si junior? or senior?

(nabuhayan ako. at agad na sumagot.)

ai: senior po.

babae 2: ay wala na si papa. patay na. mga isang taon na.

- - - - - - - - -

para akong bumangga sa pader.
lahat ng paghihintay ko..wala

ndi na kita makikita
ndi na kita mayayakap
ndi ko na mapagmamalaki sayong top ako sa klase
ndi na kita mababti 2wing father's day

galit ako sayo.
sbi ko hintayin mo ako e
dba sabi ko magkikita tayo?
bakit ndi mo ko hinintay?

1 year
5 months
16 days
akong na-late

nasaan ba ako ng APRIL 29, 2008?!

bakit ndi mo sinabing aalis ka na?
ndi ba 22o yung mga nasa tv?
yung may mababasag na baso
o mahuhulog na picture frame
pag may nangyaring masama
sa taong importante sayo?

wala akong araw na gus2ng balikan dati
pero ngaun. sana dalawin ako ng kung cnu mang fairy
na makakapagbalik sakin sa april 28, 2008

sana nayakap kita, sana nagkita pa tayo.

higit sa lahat
galit ako sa sarili ko

bakit ngaun lang kita hinanap?
bakit ba naun lang ako nagkalakas ng loob na hanapin ka
kung kelan huli na ang lahat para satin.
habang buhay kong pagsisihan ito

napakalapit mo lang.
sampaloc manila
bakit di kita nagawang puntahan dati?!

"THE SEARCH IS OVER,
YOU WERE WITH ME ALL A WHILE."

sana ngaun wala ka na sa mundo
alam mu na kung nasaan ako
masaklap ang mundo. ndi nia tayo pinagtagpo
pero alam ko, magkikita pa tayo
ndi lang ngaun

tatang, lagi mo akong babantayan ah.
alam ko nasa tabi lang kita
pinagmamasdan mo ko. nakangiti..

ngaun, maicecelebrate ko na ang birthday mo
AUGUST 8
dba?

may ipagluluksa na din ako 2wing undas..
pasenxa na tinago ako sau ni mama
pasenxa na ndi kita hinanap agad.
pasenxa na din hindi kita madadalaw sa ngaun
anlayo kasi ng pinaglibingan sayo
sa pangasinan pa.

pero wag ka mag-alala
dadalawin kita isa sa mga araw ng buhay ko.

tatang, mahal na mahal kita...
paalam.





- - - - - - - - - - - -
MISSION 11704
11704 = JANUARY 17, 2004

*araw na huli ko syang nakausap sa cellphone. nagulat ako dahil nakuha nia number ko. naiyak ako, alam ko sa tuwa un. ang mali ko lang. cnabi ko kay mama. nagalit xa at ginupit ang simcard ko sa harap ko. simula noon ndi ko na xa nakausap o nakita man lang.
*huling araw na nagkaroon kami ng koneksyon.
*14th birthday ko

- - - - - - - - - - - -
SALAMAT
sa lahat ng 2mulong sakin sa mission ko

KALABIT PENGE (tian, pare, nirih, jaja, at si pek kahit na ndi nagpaparamdam)

sa LAHAT ng nag-offer na samahan ako sa bawat phase ng mission ko
KUYA CARLO
ANGELO
JOKO
pasenxa na ndi ku kayo nasama. auko lang kasi makaabala. anlayo pa ng bbyahiin niu para masamahan ako e. ramdam ko naman na anjan kayo..

sa LAHAT ng nagGOODLUCK
TANGHALANG BATINGAW
BATCH30
CZA
JOHN-RAY
HOTSHOTS
maraming salamat

sa LAHAT ng dumamay sakin nung umiiyak ako
JESSA
BUEN
KALABIT PENGE
at marami pa..
salamat sa balikat at panyo.

at sa lahat ng bumasa sa kwento ko.
SALAMAT.

alam ko luma na itong pangaral na toh
pero iba pala pag sayo nangyari

-wag mong palagpasin ang isang araw ng hindi nasasabi sa taong mahal mo na mahal mo sya. dahil hindi mo alam baka huli na ang lahat sa oras na gus2 mo ng sabihin at ipadama sa kania.-

may dalawa akong blog na ginawa para saknia dati pa
kung gus2 mong basahin ito xa.

dadaanin ko nalang sa kanta

covet

- - - - - - - - -

masayahin akong tao
pero siguro bawat tao may drama sa buhay.
ito ang drama ko.

ano ang sayo?

Monday, October 12, 2009

MISSION 11704: PHASE 2

October 12, 2009
Monday

hindi katulad nung thursday na hindi ko cnsadyang mapdpad sa blumintritt
naun, cnadya ku magpunta sa UN AVE.

sabi kasi ng police na nakausap ko
d2 ku daw makikita yung impormaxon na hinahanap ko.

ROMEO CABARLO

hindi ko na maalala ang mukha nia
ang hugis nia, amoy nia
pagkatao nia
pero ndi ko alam kung bakit tumatak sa isip ko ang pangalan nia
hmm. cguro dahil ito nalang ang panghahawakan ko.
sa ganitong panahon kung kelan gus2 ku xa makita

kakaiba,
sa loob ng Manila Police District
namatatagpuan sa UN AVE
sa likod ng high school
maraming nakaunipormeng pulis
ndi gaya ng nakasanayan kong sa kalsada sila makikita
ndi ko alam kung naeexcite ako o anu

D1 - Personnel Division

una naging masungit sila
pinagpapasa pasa kami sa kung san sang pinto
pero nung nalaman na nila kwento ko
parang umamo sila
binigay nila sakin ang address

Year 2000

2000 daw nung nagretire xa
56 ang retiring age ng isang pulis
aun sa isang kaibigan ku na polis din ang tatay
kung tama xa.. 65 na si tatang naun
tanda nia na..

maliit nga ang mundo
tama sila

SAMPALOC, MANILA

sa tagal ku nag-aaral sa maynila
nasa sampaloc ka lang pala

malapit na ako..
pero panu kung...?
aukong isipin!

MISSION 11704:PHASE 2 ACCOMPLISHED!

kuya carlo, angelo - senxa ndi ku kayo nasama, feeling ku kasi maabala ku kau xe layo niu sa UN AVE

pare - salamat!

**binago ku pala yung title ng mission ko.. napagtanto ku yan ang tama. saka ku nalang sasabihin kung bakit ganian.. :)

Thursday, October 8, 2009

Mission 11704: PHASE 1

October 9, 2009
Thursday

8:30pm labas ku ng skul.
hours ago binaybay ko ang kahabaan ng quezon ave.
i was late! dahil sa sooooobrang trafic
1 hour naming bnyahe ang dalawang kanto
kamusta naman un?

well, anyway
ndi tungkol sa trafik ang web log ku na ito..

dis is about a mission na matagal ku na dapat cnumulan
kaya lang natatakot ako
pwede mu ding sabihing nakokornihan ako
nangyayari lang kasi 2 sa tv
sa pelikula, sa teleserye

MISSION: FIND TATANG

dahil trafic sa quezon ave
nagisip ako ng ibang daan para makaiwas sa Q ave.
naisip k mag lrt at mrt tas bus papuntang sm fairview
kaya lang mapapamahal ako tas anlau ng iikutin ko

kaya naisip ku magblumentritt nalang ako tas novaliches...
kahit ndi ako maxadong sanay sa daan na ito.

BLUMENTRITT
dati na akong nagpupunta d2
ndi para sumakay ng lrt
kasama ko uncle elmer o paminsan uncle mike ko
bumibisita kay tatang

isa lang ang lugar na natatandaan ko sa blumentriit noon
ang POLICE STATION

dati, ito ang pinupuntahan ku doon
binibisita ku xa
habang nagttrabaho xa

pero matagal na panahon na iyon
kung kelan eksakto
hindi ko na mataandaan

biglaan ang lahat
wala sa plano ko ang mapadpad sa blumentritt
wala sa plano ku na simulan ang mission ko
peru ng nasa lrt blumentritt station na ako
ndi ko na mapigilan
naisip ko:
KUNG HINDI NGAYON, KELAN?
BAKA HULI NA ANG LAHAT

matapang akong pumasok ng station
nagtanung ng records ng mga dating pulis na nadestino doon
kukunin ko sana ang address nia

pero

wala akong nakuha.
nakakwentuhan ku pa ang mga pulis 2ngkol sa kwento ko.
at kahit di ko sila kilala napaiyak ako

UN AVE
sabi nila jan aku pumunta
sa may manila police
may record daw mga pulis dun
kahit retired na

saglit lang ako nanatili sa station
peru parang nakita ko ang sarili ko
noong bata, at dumadalaw doon

tatang oras na. makikita na kita..

MISSION 11704: PHASE 1 ACCOMPLISHED!

Sunday, September 27, 2009

hello - goodbye

you're beside me like everything else is gone
the stars twinkle only for us
they suddenly fade and your eyes was locked with mine
the music dance along with the moon
fireflies dance as if they're fire crackers in the sky

so close with you, i feel so alive
so near you, i can feel your breathe
i can just stay beside you and die
i can just kiss you and fade away

and i open my eyes.
i have awaken from a dream.
or you can call nightmare.
because we know, it won't happen.
there won't be US.
us is a fiction
a fiction i can only write in my world of imagination.

we are so close, but still so far.

and i'm afraid and disenchanted that we can never go further.
it scares me more to know that i'm the only one who's afraid.

we've said our hellos.
now i'm saying my goodbye...

[goodbye.3]

Monday, August 10, 2009

Joey de Leon's Poem

a friend of mine posted sa FB about the controversy na kinasangkutan ni Willie Revilla once again.

ndi na kasi ako nakakanuod maxado ng TV dahil laging gabi na ang uwi ko from school. so i was bewildered when i saw his post:

"Willie Revillame SUCKS! Shame on you, you stupid arrogant fool!"

So tinanung ku xa kung what was that all about. then sabi nia panuorin ku daw sa YOUTUBE so pinanuod ku nga. then i was shocked dun sa napanuod ku.. how can he even say such words like that?! Yung taong sinasabihan nia nun ay yung mismong taong dahilan kung bakit may demokrasya tayo ngaun. kung bakit malaya taong nagagawa mga bagay na gus2 natin, kung bakit nasasabi natin mga personal ideas natin. at kung bakit ang media, katulad nia at ng programa nia, ay malayang nakakapag-ere ng kung anu man.

aside from the video about that, may nakita din akong ibang videos na animo'y dalawang tandang napinagsasabong sa harap ng maraming manunuod na pilipino! hindi ku naman maintindihan sa mga pilipino kung bakit nila lalo pang pinagiinit ang hidwaan sa dalawang partido na ito.

Laking bulaga ako.. solid! ni wala akong matandaang isang tanghali na wowowee ang pinapanuod ku habang nagtatanghalian. pwera nalang sa twing nakasakay ako sa bus at nakachannel 2 ang TV nila, wala naman ako magagawa dun.

pero sana hindi na gngwan pa ng kung ano mang issue ng fans at viewers ng dalawang noon-time show.

siguro ay hindi mali ang intension mu mr.revillame. MALI LANG ANG TIEMPO AT ANG MGA SALITANG GINAMIT MO PARA IPARATING ANG GUSTO MONG SABIHIN.

maging leksyon sana sa iyo na dahil isa kang TV personality dapat mas lalo kang maging maingat sa lahat ng sasabihin mo.

ang tulang mababasa sa baba ay gawa ni Joey de Leon na isa sa mga host ng Eat Bulaga!


The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally


Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako'y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa 'kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko'y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa 'yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika'y parang nabastos sa isang TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa'y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
"Sandali, meron akong ano... sa'ting ano...
Hindi naman sa ano," nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s'yang nasambit,
"Sana pakitanggal muna 'yan sa'ting traffic..."
At 'di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
"I don't think na dapat n'yong ipakita iyan..."
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa'y pag-ingatan.

At 'di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n'ya ay tama raw,
Mga nakarinig 'di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la'y napa-wow!

"... Pero ako, totoo 'ko eh ... ", sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya't wala na rin mga paliwanag mo.

"Kung ganyan, pakita na lang 'yan!", ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-"lang - lang" lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n'ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s'ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
"On camera" baga sa TV ang tawag d'yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa 'yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at 'yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika'y maa-abswelto,
'Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n'yo?
Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang "glitch" lang,
Tulad ng "two-zero" 'di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n'ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s'ya,
Subalit ang nangyari'y mabigat talaga,
Namayapang pangulo'y huling paalam na,
'Di mo pa pinagbigyan ... hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s'yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga'y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.

This article is from PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sunday, August 9, 2009

LYCEANS: proven worst audience

At 10 am may duty ako sa CCP (Cultural Center of the Philippines)
The title of the show was "Apples from the Desert"

This show was also staged yesterday at the same venue (Tanghalang Aurelio Toletino also known as Little Theater)
Bago pa kami magbriefing, which is part of our 3-Quarter Rota, may naririnig na akong
not so good things about the show yesterday.
The show was sponsored by the Lyceum, basically, the audience were Lyceans.

Maingay daw ang mga audience, they were screaming during intervals, and their "wooos!" every time the scene gets a BIT sensible. And also during intervals e nilalabas nila ang mga cellphones nila to check for message or to text someone, na animo'y mga alitaptap na kumukurap kurap sa dilim! To think na merong cellphone advisory before the show. Kung hindi ako nagkakamali ganito ang CP anvisory ng CCP.

"We would like to request members of the audience to please turn off their cellphones 'coz it might interfere with the theater sound equipment. Thank you."

Ganian! hindi man sakto e ganian ang sinasabi ng voice over.

I was trying not to believe. Pushing myself that they are just exagerating what had happen. I was technically defending Lycean against my logical thinking. Because simply for the reason of I too, is a LYCEAN.

Moment of Truth.
30 minutes before the show nagstart na kami magpapasok ng audiende. This is called "Open House" in theater jargon.

At first they look okay. they follow our CAMADA. (I'm not sure of the spelling but that's how we say it, it means pushing the audience to occupy every vacant seat for we are expecting for Full House. Full House is another theater jargon which means that all tickets are sold.) Aside from the unevitable murmurs you will be hearing in all audience not only in Lycean audience.

My trust on what I believed in had starting to break through the moment I saw this Lycean CROSS-OVER the seats! My God tinapakan nia pa yung armrest! the last time nakita ko na may gumawa nun ay sa PICC sa mga intsik. that event pinaguusapan na namin ang kawalang manners ng mga chinese. and it shows. A Lycean did it. SHAME! ibig sabihin wala din TAYO manners?! damn.

Isa pa, nung tntry namin sila iCAMADA i heard one of them telling her friend
"Ano ba naman 'toh andaming bawal. Hindi naman namin gusto panuorin 'toh e!"

Bonggang nakakahiya! halatng inosente sa theater! my GOD! buti nalang ako lang nakarinig!

When all of them stood for the National Anthem e nagpapaingayan ng lagapak ng upuan ang mga sira ulo.

Thats the time na naniwala na ako sa mga sinasabi ng mga co-Usher/rettes ko.
Naisip k na para mapigilan ang isa pang problem nila na paggamit ng CP na nakwento samin e sinisita ko na lahat ng makita kong naglalabas ng fown na malapit sakin kahit kakalabas nia lang ng fown nia.

Meron pa. after interval, ang ingay nila sobra. siguro hindi sila magsesettle down hangga't hindi pa nagLIGHTS OFF! meron pang dalawang male audience na naglalaro ng PSP. kung hindi ko pa lalapitan at sasabihang patayin ung PSP e hindi pa ata gagawin un.. INILAWAN ku na nga sila para mapahiya! kung pwede ku lang sabihin na kung maglalaro lang kayo ay lumabas nalang kayo! badtrip!!

Lastly, hay salamat naman, last na ito sa lahat ng sentiments ko! after the show e kania kanya silang labas ng digicam. OK lang naman na magpicture. peru ung magpicture kau ng pareparehong pose tas iba ibang DGCAM?! hello? ndi ba nila alam na pwede namang iGRAB nalang?! almost 35mins kaming nakatayo dun para hintayin sila umalis. Pero gosh! after 35 mins. andun pa din sila! grabeh.. wala na ako masabi..

NAKAKAHIYA sa mga coworkers ko. alam pa naman nilang LYCEAN ako.
kahita ako SHOCKED! hindi ko akalain na ganun KASAMA!

LYCEANS ARE THE WORST AUDIENCE YOU'LL EVER HAVE!

akala ko dati sa batingaw lang un. kala ko na ang worst audience ng Letran ay Letranites, at sa Mapua ay ang Mapuans. AKALA KO LANG YUN!

I HAVE PROVEN LYCEANS ARE THE WORST!!

Saturday, August 1, 2009

The Man Who Can Breathe Under The Water

The forest was shaggy and trees were growing abundantly. Everything was green except for the blue skies when you look above. We, a friend of mine and I, were about to go some where. A journey which will lead us to somewhere I don’t know where yet. All I know at that instant is I have to go there. Some part of the reverie was a blur. Like my friend, I can hardly see what she looked like. But I can depict her features, she’s lean, lighter complexion that mine and shorter than my height.

I think we’ve been walking for quite some time. Finally after the long walk, we found a pond, a small pond. It is circle in shape and looks ordinary. Then all of a sudden we felt like we have to get some thing from the deep of the pond in order to carry on the journey.

My friend tried to dip herself to the pond. But before she got totally wet something or someone has interrupted her attempt. From where I stand, it looks like there were three men trying to push her up and away from the pond. When she got out of the water, those three men mount from the pond too. I was shocked because the three men’s complexion was black and white, literally. Their skin has no color; they looked like a 3D animated picture whose skin color was adjusted to black and white. Then I saw them detaching something from the under of their ears, and slowly they start to regain their natural colors, like the skin of a normal person.

Those three men were like guardians of the pond. I believe they’re protecting the pond from someone who might have just stolen that something from the deep of the pond. Then I ran towards the man who was tallest from the three and hugged him. He’s tall, taller than I taught. And it becomes obvious as I got closer to his body. He has a perfect body for a man and he has a fair complexion now, the same color I have, unlike moments ago when he was black and white. At the back of my mind I was shocked by my action. But I felt like I know this person so much I just had a gap of memory that I had forgotten about him. In the vision I can see myself as one of the cast and also as someone who can see the whole scenario. It’s just like being in two places at the same time but the other one is invisible to the eyes of the others. The other two men where shorter in height than he was, but they were blurrier than my friend I can’t examine their features.

“Why you didn’t let my friend go underwater?” I asked. He didn’t reply or maybe I just didn’t recall what he had said. “What if I jump in the water?” I threaten him. I loosen my arms that were locked around his neck. I suddenly ran towards the water and jump as fast as a normal person can do. But no matter how fast I go he’s still faster than me. Faster than any other human I ever saw. With a blink of an eye, he’s there under the water with me protected around his arms. Everything was so fast. The small pond from above was a wide body of water from beneath. It was deep and never ending. It has no living creatures only blue water. But because of his speed all I can see was white, the look of water that was being disturbed by outside forces. It seemed we’ve been swimming for more than any person can hold his breathe under the water and I don’t like feeling the need to respire. Like I have gills not lungs. But of course I’m quite sure that I have lungs for I’m a normal human. I just don’t think he’s normal, or human. And with a zoom I’m on the ground again, still locked around his arms and feeling the heat of his body.

Then somebody woke me up. End of dream.

Monday, July 27, 2009

Ms. Takes!

while surfing the net got bump to this website and read a bit and started laughing! haha :D just wanna share my laughs.

-------

Along a highway in Pampanga: "WE MAKE MODERN ANTIQUE FURNITURE"

On a self-service restaurant in Cebu: "PLEASE HELP OUR COMFORT ROOM CLEAN"

In a Baguio grocery: "FRESH FROZEN CHICKEN SOLD HERE"

In Cubao: "NONE ID NOTHING ENTRY"

Along Luneta Boulevard: "BAWAL TUMAE SA BULEVARD"

On Jeepney and Bus signs: "BEFORE PAY, TELL WHERE GET THE ON BEFORE GET THE OFF"

On a flower shop in Rizal Avenue: "WE SELL ARTIFICIAL FRESH FLOWERS"

On a delivery truck: "NOT FOR HERE"

At a construction site in Mandaluyong: "BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG"

Somewhere along San Andres: "NO URINATING, ON THE OVER WALLS!"

Vacant lot near Makati Avenue: "DON'T PARKING!!!"

At an eatery in Cebu: "WE HAB SOPDRINK IN CAN AND IN BATOL!

Sa pader ng Intramuros: "MARUNONG K BANG TUMAHOL? ASO LANG ANG UMI-IHI DITO!"

On an office building: "NOTARY PUBLIC, TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO."

------
:D LOL

Sunday, May 3, 2009

PM overpowered HM

2 Rounds TKO!
I was in Batangas, specifically inside the pajero while we're on our way to the reception, when I heard the news panalo nga si pacquiao and hatton surrendered the fight in just a couple of rounds.

"shit ka hatton di mo man lang ako hinintay makauwi dun sa bahay[tinuluyan namin]! ndi mu man lang pinatagl!"

yan
ang una ko talagang nasabi nung narinig ko ung balita pero I was smiling that time. hehe. kaw ba naman ndi matuwa. maswerte ang generation ko. we've been experiencing a lot of one in a million happenings in life. like the new millenium (year 2000) and pati na rin ung pag lapit ng mars before sa earth. and now, pacquiao. think of this, pag si pacquiao ay nagretiro na at naging abo na, at pati ako ay abo na, isama mu na rin ang milyung milyun pa na kahenerasyon mo. sabihin nating masama kang damo at iilan nalang kayong gurang ang nabubuhay. sa tagumpay na dinala ni pacquiao sa pilipinas malamang sa malamang ang magiging laman siya ng mga libro kung saan ipinapakita ang mga naging matagumpay na mga tao sa mga larangan napili nila. at sa araw na tanungin ko ng great great granddaughter mo ng "LOLA/o kilala mu si pacquiao?" sasagutin mu xa ng mga ito...

~~buong puso mung ikkwento sa apo kung panu 2mitigil ang mundo ng bawat pilipino at kung paano nagiging ZERO ang crime rate sa maynila dahil ultimo mga magnanakaw at masasamang loob ay hindi kayang palagpasin ang pagkakataon sa 2wing tumutungtong si pacman sa apat na sulok ng ring.

~~kung panu minahal hindi lang ng buong pilipinas pati na rin ng buong mundo si pacman. kita mu naman sa kahit saang venue xa lumaban sold out lahat ng ticket matagal pa man ang laban nia!

~~pati na rin kung panu xa kinainisan ng mga mexicano dahil kahit sinung itapat nila kay pacquiao ay walang makatalo talo sa pambansang kamao.

sabi ng iba...

"puro si pacquiao laman ng text at balita nakakaumay na! hindi naman ako babalatuan nun!"

tsk tsk... hindi pa ba sapat para satin ung gnwa nia nakahit papano, sa isang larangan nataob ng mga pilipino ang mga taong nasa kabilang dulo ng mundo. the battle of east and west. sa mundo ng politika at stock market, mas mabilis umunlad ang mga taga west kysa sating nasa east. may mga bansang mang maunlad sa ating dako ay iilan lamang. pero sa mundong kinabibilangan ni pacman. buong PILIPINAS at buong bahagi ng east na sinasabi ko ay nagdidiwang.

sa kabila ng crisis, binigyan nia ulit tayo ng isang dahilan para itaas ang ating mga nuo at maglakad ng may pagmamalaki sa buong mundo. pilipino ang lahi ko...

siguro sapat na itong balato. hindi na kailangan ng pera. ndi ba?

gus2 ko rin palang icongratz si aling dionisia. hindi ikaw ang malas ni pacman! ^^ kahit ngaun ka lang nakanuod ng actual na laban nia, hindi xa natalo. hehe congratz. ^^


------------
KUYA CARLO: wag kang mag-alala ipapasa ko kung talabuhay ko sa takdang panahong pinagusapn. ^^ hehehe

Thursday, April 9, 2009

palusot ng mga SINGLE!

Hey single people, yes u person! lam kong may sariling kang reason kung bakit ka pa rin single. i can't blame you. kahit ako single e. ive got my reasons as well. take note, REASONS, not just one reason.

This holy week, dahil wla ang mga normal TV shows na inaabangan ko, cellphone naun ang isa sa mga major entertainment depot ko. At pag walang mga katext, i browse my outbox for forwarded messages na pwede ko ding iforward. And this is what i found. Hindi ko na maalala kung sinu ung nagsend sakin nito. But i think isa sa mga kabatingaw ko.

Natawa ako sa nabasa ko. Halos lahat ng reasons nakarelate ako. hahahaha! 4 months plang ako single, e panu pa kaya ung mga more than a year na? or ung mga NBSB/NGSB?! (No Boyfriend/Girlfriend Since Birth) Ung mga nagpakasal na sa singlehood!

Well anyway,para makarelate ka sa sinasabi ko. ito ung Top 11 Reasons ng mga Single.

Top 11 - Destiny Adik
*bahala na daw ang tadhana
--e2 yata ang resulta ng kakapanuod ng mga korean movies kung saan malaki ang parti ng hinayupak na tadhana sa dalawang taong nagmamahalan. isa ito sa mga pinakamalaking factor ng mga single. kailangan meant to be. kailangan destiny! at pagnakita na ung sinasabing destiny, naging sila, mejo nagtagal at nag-away, naghiwalay, sisisihin din ang destiny at sasabihing "we are not destined to be together!". tama daw ba un?


Top 10 - Perfectionist
*gusto yata maging jowa e god/dess
--maxadong maraming standards. Gwapo, myaman, mabait! isama mo na jan ang hindi bakla at walang asawa! mahirap ba un? oo! dahil ang lalakeng ganian ay "GUNI-GUNI" lamang. wahahaa

Top 9 - Busy Busyhan
*sa skul, work etc.
--isisi daw ba sa academics at school organizations? hindi porket busy, no space for new lover na agad.

Top 8 - Friendship Theory

*masaya na at secretly in love sa friend
--ndi ako nakarelate dito. Bibihira kasi ako magkacrush sa kaibigan.

Top 7 - Born-to-be-one
*nahuhumaling sa idea ng single blessedness
--temporary ganito ako. pero wala namang sigurong masama dba? e masaya akong single e. without drama!haha

Top 6 - Happy-go-lucky
*tikim-tikim lang ang trip sa buhay
--can't relate...

Top 5 - Wrong place
*feeling e nasa maling lugar
--hmmmm. isa sa mga palusot ng mga ndi pa ready. awtch! aray!

Top 4 - Wrong time
*feeling may tamang panahon for love
--isa pa toh. may mr.right, mr.right at the right time but at the wrong place, mr. right at the right place but at the wrong time, and mr. ultimate right!

Top 3 - Rated PG
*depende kay mommy at daddy
--pwede namang wag sabihin. dba?! hahaha

Top 2 - Traumatic Experience
*nasaktan minsan kaya ayaw na
--ndi makamove on. mali! siguro nakamove on na. pwedeng hindi palang nia gus2 ng bagong commitment. or masaya pa xa at hindi nia pa nararamdamang may kulang.

Top 1 - EX to the nth power
*kunwari nakamove-on pero si EX pa rin ang gusto
--hahaha best example ung kakilala ko! grabeh.half a decade na siguro. ndi nagmomove on! kawawa naman.


Makakarelate ka jan! hindi lang isang reason, marami! kagya ko. hehehe so what kung single? this summer, single is oh sooo hooot! hahaha. n.n

Sunday, January 4, 2009

5 things to evade BITTERNESS!

Bago magpasukan at mawalan na naman ako ng time sa mga kaek-ekang gus2 kong ipost sa blog, gagawa muna ako ng isa! hehe

"Eh ano naman kung malamig ang pasko ko?
Naka-jacket naman ako!"


Sabi kaya daw nagging bitter ang isang tao is to show na you still want to care for the person, BUT you can't na, dahil mas pinili nung tao na magmove one and left you behind. Ouch noh? kaya siguro hindi maiiwasan ang bitterness.

Nagtataka lang ako. sa past relationship na pinanggaliangan ko, which after 1.5 years unfortunately ended up, hindi ba dapat ako ung naging bitter? hindi ba dapat ako yung magalit?! You're probably asking kung ano ba ang dahilan ng break up. ehem! tama na! hehe. rinding rindi na ako sa mga frends ko! haha wak ka na sumali pa. hehehe. basta, it's not worth staying kaya it ended. (pero dahil nga tanga ako, im not closing doors, windows, and faucets!)

Natatawa lang ako. Bakit kailangn pag nagbbreak kailangan galit? Ako, honestly im open for friendship. ewan ku nalang sa kania. bakit kailangan maging bitter?! honestly ulet hindi ako naging maxadong bitter. natural lang ung masaktan pero para alagaan mo ung sakit?! i think it's a stupid thing to do. nag-aalaga ka lang ng makakasakit sa sarili mo!

Come to think of this:
Ikaw kung todo todong effort ang ginagawa mo para lang masaktan xa at maramdamang bitter at kung ano pa man na regret ang gus2 mong ipadama. Yet xa, WAPAKELS! cnu loser?

Nung napansin ko un, sinulat ko ung sa tingin kong hindi dapat gawin sa break up. Ito yun...

Una
I-save ang number niya!
OO! kabaliktaran sa mga nakikita nating nagbbreak na ang unang ginagawa ang binubura sa cellphone ang number (kabisado naman) at pati lahat ng sinend niang msg na sinave mu dahil gus2 mu lang ulit ulitin sa pagbasa e binura mo na!

I-save mo! bakit? pano kung may emergency tapos xa lang ung maaaring makatulong sayo?! kunwari kailangan ng aso mu ng dugo tapos xa lang ang makakapag-donate dahil pareho sila ng type or basta there is something sa kanila na common! Eh di nasave mo pa ung buhay ng aso mo!

As to my part xe hindi ko sinsave ung number nia nung kami pa. pero alam kong xa un! xempre kabisado ko ee. hehe kaya nung nagbreak kami, sinave ko! lalo na kagaya ko na ang span ng memory ay kasing haba lang ng sa goldfish!

Pangalawa
Wag itago ang mga bagay na bigay nia at lalong wag ibabalik sa kania!
For the very simple reason na para masanay ka sa sakit. Alam kong pag fresh pa ang break up at tuwing makakakita ka ng something na makakapagpaalala sa kania sayo ay parang nagsslow motion ang oras mo at parang gus2 mong mag-emote that very moment! RELAX! ok lang mag-emote. cge umiyak ka ng umiyak! tingnan lang natin kung hindi maubos yang luha mo! hahahahah.

After ilang araw, you'll see for yourself na hindi ka na maiiyak pag nakikita mo ung mga bagay na sinsabi ko!

At wag na wag! as is NEVER mong ibabalik sa kania ung mga regalo nia sau nung 1st mansari, 2nd, 3rd and 22nd mansari nio! hello?! aanhin nia un?! panu kung niregaluhan ka nia ng panty?! masusuot nia ba un pag sinoli mo?! aber?! atsaka. binigay nia sau un ng taos puso. kaya wala dapat solian na nagaganap! pwera nalang siguro pag binawi nia talaga! kung babawiin nia naman ANG KAPAL NG PAGMUMUKA NIA!


Pangatlo
Don't Blame.
Eto ang lagi mong tatandaan. When a relationship ends, dalawang party ang laging may kasalanan. hindi lang isa! well, sabihin nalang natin na mas malaki lang ung kasalanan nung isa! hehehe pero wula ka paring right to blame, kasi may kasalanan ka pa rin!


Pang-apat
Wag mag-astang Ikaw ang Tama!
Wag magdunong dunungan ano! Well, to tell you honestly yung mga nagdudunung dunungan jan e sila pa ung least na may alam! ung puro dada lang at wala naman sa gawa! bakit hindi nio muna tingnan ung sarili nio bago niu ituro sa ibang tao ung pagkakamali nila?! Sino kang Diyos na makakapagsabi ha?!

Be down to earth. Malay mo sa pagwawalang imik mo ay magkahimala at matauhan xa sa mga ginawa nia at maayos niu pa ang mga bagay bagay na pwedeng ausin! ang pagiging walang imik ay hindi synonymous sa pagwawalang bahala.


At panglima
Wag buburahin sa FRIENDSTER!
hindi naman siguro lahat gumagawa nito pero ito na ang isa sa mga kaBITTERan na magagawa ng isang tao. Nakakaloka. Lalo na kung featured friend mo xa tapos pag check mo ng account mo e makikita mong kulang ng isa ang mga feat frends mo at unti-untl magsink in sa utak mo na wula na xa. anu pa ba ibig sabihin nun? edi binura ka! nakakatawa nalang! hahahahaha!

Parang dati featured frend ka then isang click lang erased ka na?! ouch kung ouch. pero nakakatawa nalang talaga! hahahahaha at lalo akong matatawa kapag ininvayt nia ulit ako! hahaha tawa ku lang!


All starts well ends well. Ika nga. pero hindi rin pala sa lahat ng bagay. Some things na nagstart ng maganda can also end horrifically. pero sabi nga rin nila, don't get angry because it ended. be happy because it happened.