PeanutButter

My photo
Manila, Philippines
She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.

Friday, April 2, 2010

Dilemmas of a Graduating Student

matapos ang halos dalawang dekadang pagsusunog ng kilay, sa wakas matatapos ku na din ang pag-aaral ko. mapapakinabangan na din ako ng nanay ko pag nagkatrabaho ako. 21 days bago ang pagmarcha namin sa PICC. kung babalikan, nakailang ream na kaya ako ng bond paper para sa projects at research papers? ilang ink cartridges na rin kaya ang nabili ni mama para sa printer namen? tuwing ggraduate nalang ako andaming pumapasok sa utak ko. minsan gusto kong pahintuin muna ang oras, naisip ko kasi masyado na syang mabilis. parang kanina lang wala akong iniisip kundi ang paggcng sa umaga para makapasok sa eskuela. ngayon, ang dami dami ko ng iniisip.

  1. ang nakakatakot at lumalaking populasyon ng mga unemployed -- matapos ang pagsisikap kong manguna sa klase at mapanatili ang scholarship ko at pagiging dean's lister naisip ko, matutulungan kaya talaga ako ng mataas kong grado para makakuha ng magandang trabaho kung saan kaya kong pag-aralin ang kapatid ko habang sinusustentohan ang mga luho ko? isa pa, sa dami naming ggraduate at sa iilang job opportunities ay talaga nga namang mag-aagawan kaming mga fresh grad na parang mga buwaya na hinagisan ng iisang buong manok.
  2. ang milyong milyong utang ko sa mga magulang ko -- kung kkwentahin ko lahat ng ginastos nila sakin mula ng ipanganak ako hanggang sa mga oras na ito na nakaupo ako sa tapat ng computer namin. isama mu na jan ang gatas, ang tuition, ang bayad sa internet connection, sa mga damit, sa lahat ng kinain ko at kung ano ano pang pinagtuturo ku nung bata ako hanggang ngayon. eh aabutin yata ako ng dalawang milyon! nako, kung magkakatrabaho ako na ang kita ay 20K isang buwan ilang dekada ko din babayaran ang mga magulang ko! paano na ang plano kong makapag-asawa bago ako magtrenta!!
  3. ang bumibigat na responsibilidad habang nadadagdagan ang aking edad -- nangunguna na jan ang eleksyon sa may 2010. simula ngayon hindi na pwede yung walang alam at walang pakialam sa pulitika. kasi sino mang maupo sa posisyon ay mararamdaman na namin ang epekto dahil pagbabayarin na kami ng buwis!
nako, hindi pa man ako nakakamarcha e kung anu2 na ang pumapasok sa utak ko. XD sa ating mga FRESH GRADUATES congrats at mabuhay tayo! :)

Wednesday, October 14, 2009

MISSION 11704: PHASE 3 "THE FINAL PHASE"

October 14, 2009
judgment day

ito na cguro ang araw na pinakahihintay ko.
10:30am umalis ako sa bahay
kikitain ko ang kalabit para samahan ako sa ikatlong stage ng mission ko
sa dating tagpuan
711

bago pumunta ng espania
dumaan muna kami ng UP
para magpasa ng requirements sa TANGHAL

ndi ko alam
pero hindi ako kinakabahan o na-eexcite man lang
kahit kagabi
agad akong nakatulog
cguro gawa din ng pagod.

malakas ang ulan
baka may nais sabihin
pero ndi ko pinakinggan
2muloy kami

pag dating sa espania
VICENTE CRUZ
sumakay kami ng jeep papuntang balic balic
ayon sa napagtanungan ni pare ko
dadaan daw ito sa D. Santiago Street
ang kantong nakalagay sa address nia na nakuha sa Manila Police District

Hindi kami nahirapan
natungtung namin ang bahay nia
Dahil na rin cguro sa tagal na nilang nakatira doon
ay kilala na ang apelido nila

PULANG GATE
e2 na nga.

ai: dito po ba nakatira si romeo cabarlo?

babae: bakit?

tian: may itatanong lang po sana kami

babae: d2 nga. ano kailangan nila?

(hindi kami nakasagot, nagtinginan nalang kami)

(napahinto ang babae. umakyat sa taas)

(mamaya ay may dumungaw sa veranda)

babae 2: ano kailangan nila? asawa ako ng hinahanap nio.

(matapos ko sya tingnan nagdalawang isip ako. akala ko pa ng una ay mali ang bahay na napuntahan namin. ndi na ako makapagsalita. nauutal. ndi ko alam kung paano sasabihin pero alam ko kung ano ang gus2 kong sabihin. sa itsura nia ay ndi maaring xa ang asawa ng tatay ko. bata xa. mukang nasa 30+ palang. muli kaming nagtinginan lang ng kalabit penge. nakaramdam ang babae at nagsalita)

babae 2: sino ba hinahanap nio? si junior? or senior?

(nabuhayan ako. at agad na sumagot.)

ai: senior po.

babae 2: ay wala na si papa. patay na. mga isang taon na.

- - - - - - - - -

para akong bumangga sa pader.
lahat ng paghihintay ko..wala

ndi na kita makikita
ndi na kita mayayakap
ndi ko na mapagmamalaki sayong top ako sa klase
ndi na kita mababti 2wing father's day

galit ako sayo.
sbi ko hintayin mo ako e
dba sabi ko magkikita tayo?
bakit ndi mo ko hinintay?

1 year
5 months
16 days
akong na-late

nasaan ba ako ng APRIL 29, 2008?!

bakit ndi mo sinabing aalis ka na?
ndi ba 22o yung mga nasa tv?
yung may mababasag na baso
o mahuhulog na picture frame
pag may nangyaring masama
sa taong importante sayo?

wala akong araw na gus2ng balikan dati
pero ngaun. sana dalawin ako ng kung cnu mang fairy
na makakapagbalik sakin sa april 28, 2008

sana nayakap kita, sana nagkita pa tayo.

higit sa lahat
galit ako sa sarili ko

bakit ngaun lang kita hinanap?
bakit ba naun lang ako nagkalakas ng loob na hanapin ka
kung kelan huli na ang lahat para satin.
habang buhay kong pagsisihan ito

napakalapit mo lang.
sampaloc manila
bakit di kita nagawang puntahan dati?!

"THE SEARCH IS OVER,
YOU WERE WITH ME ALL A WHILE."

sana ngaun wala ka na sa mundo
alam mu na kung nasaan ako
masaklap ang mundo. ndi nia tayo pinagtagpo
pero alam ko, magkikita pa tayo
ndi lang ngaun

tatang, lagi mo akong babantayan ah.
alam ko nasa tabi lang kita
pinagmamasdan mo ko. nakangiti..

ngaun, maicecelebrate ko na ang birthday mo
AUGUST 8
dba?

may ipagluluksa na din ako 2wing undas..
pasenxa na tinago ako sau ni mama
pasenxa na ndi kita hinanap agad.
pasenxa na din hindi kita madadalaw sa ngaun
anlayo kasi ng pinaglibingan sayo
sa pangasinan pa.

pero wag ka mag-alala
dadalawin kita isa sa mga araw ng buhay ko.

tatang, mahal na mahal kita...
paalam.





- - - - - - - - - - - -
MISSION 11704
11704 = JANUARY 17, 2004

*araw na huli ko syang nakausap sa cellphone. nagulat ako dahil nakuha nia number ko. naiyak ako, alam ko sa tuwa un. ang mali ko lang. cnabi ko kay mama. nagalit xa at ginupit ang simcard ko sa harap ko. simula noon ndi ko na xa nakausap o nakita man lang.
*huling araw na nagkaroon kami ng koneksyon.
*14th birthday ko

- - - - - - - - - - - -
SALAMAT
sa lahat ng 2mulong sakin sa mission ko

KALABIT PENGE (tian, pare, nirih, jaja, at si pek kahit na ndi nagpaparamdam)

sa LAHAT ng nag-offer na samahan ako sa bawat phase ng mission ko
KUYA CARLO
ANGELO
JOKO
pasenxa na ndi ku kayo nasama. auko lang kasi makaabala. anlayo pa ng bbyahiin niu para masamahan ako e. ramdam ko naman na anjan kayo..

sa LAHAT ng nagGOODLUCK
TANGHALANG BATINGAW
BATCH30
CZA
JOHN-RAY
HOTSHOTS
maraming salamat

sa LAHAT ng dumamay sakin nung umiiyak ako
JESSA
BUEN
KALABIT PENGE
at marami pa..
salamat sa balikat at panyo.

at sa lahat ng bumasa sa kwento ko.
SALAMAT.

alam ko luma na itong pangaral na toh
pero iba pala pag sayo nangyari

-wag mong palagpasin ang isang araw ng hindi nasasabi sa taong mahal mo na mahal mo sya. dahil hindi mo alam baka huli na ang lahat sa oras na gus2 mo ng sabihin at ipadama sa kania.-

may dalawa akong blog na ginawa para saknia dati pa
kung gus2 mong basahin ito xa.

dadaanin ko nalang sa kanta

covet

- - - - - - - - -

masayahin akong tao
pero siguro bawat tao may drama sa buhay.
ito ang drama ko.

ano ang sayo?

Monday, October 12, 2009

MISSION 11704: PHASE 2

October 12, 2009
Monday

hindi katulad nung thursday na hindi ko cnsadyang mapdpad sa blumintritt
naun, cnadya ku magpunta sa UN AVE.

sabi kasi ng police na nakausap ko
d2 ku daw makikita yung impormaxon na hinahanap ko.

ROMEO CABARLO

hindi ko na maalala ang mukha nia
ang hugis nia, amoy nia
pagkatao nia
pero ndi ko alam kung bakit tumatak sa isip ko ang pangalan nia
hmm. cguro dahil ito nalang ang panghahawakan ko.
sa ganitong panahon kung kelan gus2 ku xa makita

kakaiba,
sa loob ng Manila Police District
namatatagpuan sa UN AVE
sa likod ng high school
maraming nakaunipormeng pulis
ndi gaya ng nakasanayan kong sa kalsada sila makikita
ndi ko alam kung naeexcite ako o anu

D1 - Personnel Division

una naging masungit sila
pinagpapasa pasa kami sa kung san sang pinto
pero nung nalaman na nila kwento ko
parang umamo sila
binigay nila sakin ang address

Year 2000

2000 daw nung nagretire xa
56 ang retiring age ng isang pulis
aun sa isang kaibigan ku na polis din ang tatay
kung tama xa.. 65 na si tatang naun
tanda nia na..

maliit nga ang mundo
tama sila

SAMPALOC, MANILA

sa tagal ku nag-aaral sa maynila
nasa sampaloc ka lang pala

malapit na ako..
pero panu kung...?
aukong isipin!

MISSION 11704:PHASE 2 ACCOMPLISHED!

kuya carlo, angelo - senxa ndi ku kayo nasama, feeling ku kasi maabala ku kau xe layo niu sa UN AVE

pare - salamat!

**binago ku pala yung title ng mission ko.. napagtanto ku yan ang tama. saka ku nalang sasabihin kung bakit ganian.. :)

Thursday, October 8, 2009

Mission 11704: PHASE 1

October 9, 2009
Thursday

8:30pm labas ku ng skul.
hours ago binaybay ko ang kahabaan ng quezon ave.
i was late! dahil sa sooooobrang trafic
1 hour naming bnyahe ang dalawang kanto
kamusta naman un?

well, anyway
ndi tungkol sa trafik ang web log ku na ito..

dis is about a mission na matagal ku na dapat cnumulan
kaya lang natatakot ako
pwede mu ding sabihing nakokornihan ako
nangyayari lang kasi 2 sa tv
sa pelikula, sa teleserye

MISSION: FIND TATANG

dahil trafic sa quezon ave
nagisip ako ng ibang daan para makaiwas sa Q ave.
naisip k mag lrt at mrt tas bus papuntang sm fairview
kaya lang mapapamahal ako tas anlau ng iikutin ko

kaya naisip ku magblumentritt nalang ako tas novaliches...
kahit ndi ako maxadong sanay sa daan na ito.

BLUMENTRITT
dati na akong nagpupunta d2
ndi para sumakay ng lrt
kasama ko uncle elmer o paminsan uncle mike ko
bumibisita kay tatang

isa lang ang lugar na natatandaan ko sa blumentriit noon
ang POLICE STATION

dati, ito ang pinupuntahan ku doon
binibisita ku xa
habang nagttrabaho xa

pero matagal na panahon na iyon
kung kelan eksakto
hindi ko na mataandaan

biglaan ang lahat
wala sa plano ko ang mapadpad sa blumentritt
wala sa plano ku na simulan ang mission ko
peru ng nasa lrt blumentritt station na ako
ndi ko na mapigilan
naisip ko:
KUNG HINDI NGAYON, KELAN?
BAKA HULI NA ANG LAHAT

matapang akong pumasok ng station
nagtanung ng records ng mga dating pulis na nadestino doon
kukunin ko sana ang address nia

pero

wala akong nakuha.
nakakwentuhan ku pa ang mga pulis 2ngkol sa kwento ko.
at kahit di ko sila kilala napaiyak ako

UN AVE
sabi nila jan aku pumunta
sa may manila police
may record daw mga pulis dun
kahit retired na

saglit lang ako nanatili sa station
peru parang nakita ko ang sarili ko
noong bata, at dumadalaw doon

tatang oras na. makikita na kita..

MISSION 11704: PHASE 1 ACCOMPLISHED!

Sunday, September 27, 2009

hello - goodbye

you're beside me like everything else is gone
the stars twinkle only for us
they suddenly fade and your eyes was locked with mine
the music dance along with the moon
fireflies dance as if they're fire crackers in the sky

so close with you, i feel so alive
so near you, i can feel your breathe
i can just stay beside you and die
i can just kiss you and fade away

and i open my eyes.
i have awaken from a dream.
or you can call nightmare.
because we know, it won't happen.
there won't be US.
us is a fiction
a fiction i can only write in my world of imagination.

we are so close, but still so far.

and i'm afraid and disenchanted that we can never go further.
it scares me more to know that i'm the only one who's afraid.

we've said our hellos.
now i'm saying my goodbye...

[goodbye.3]

Monday, August 10, 2009

Joey de Leon's Poem

a friend of mine posted sa FB about the controversy na kinasangkutan ni Willie Revilla once again.

ndi na kasi ako nakakanuod maxado ng TV dahil laging gabi na ang uwi ko from school. so i was bewildered when i saw his post:

"Willie Revillame SUCKS! Shame on you, you stupid arrogant fool!"

So tinanung ku xa kung what was that all about. then sabi nia panuorin ku daw sa YOUTUBE so pinanuod ku nga. then i was shocked dun sa napanuod ku.. how can he even say such words like that?! Yung taong sinasabihan nia nun ay yung mismong taong dahilan kung bakit may demokrasya tayo ngaun. kung bakit malaya taong nagagawa mga bagay na gus2 natin, kung bakit nasasabi natin mga personal ideas natin. at kung bakit ang media, katulad nia at ng programa nia, ay malayang nakakapag-ere ng kung anu man.

aside from the video about that, may nakita din akong ibang videos na animo'y dalawang tandang napinagsasabong sa harap ng maraming manunuod na pilipino! hindi ku naman maintindihan sa mga pilipino kung bakit nila lalo pang pinagiinit ang hidwaan sa dalawang partido na ito.

Laking bulaga ako.. solid! ni wala akong matandaang isang tanghali na wowowee ang pinapanuod ku habang nagtatanghalian. pwera nalang sa twing nakasakay ako sa bus at nakachannel 2 ang TV nila, wala naman ako magagawa dun.

pero sana hindi na gngwan pa ng kung ano mang issue ng fans at viewers ng dalawang noon-time show.

siguro ay hindi mali ang intension mu mr.revillame. MALI LANG ANG TIEMPO AT ANG MGA SALITANG GINAMIT MO PARA IPARATING ANG GUSTO MONG SABIHIN.

maging leksyon sana sa iyo na dahil isa kang TV personality dapat mas lalo kang maging maingat sa lahat ng sasabihin mo.

ang tulang mababasa sa baba ay gawa ni Joey de Leon na isa sa mga host ng Eat Bulaga!


The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally


Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako'y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa 'kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko'y nagpatulo.

Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa 'yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.

Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika'y parang nabastos sa isang TV show.

At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa'y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
"Sandali, meron akong ano... sa'ting ano...
Hindi naman sa ano," nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s'yang nasambit,
"Sana pakitanggal muna 'yan sa'ting traffic..."
At 'di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
"I don't think na dapat n'yong ipakita iyan..."
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa'y pag-ingatan.

At 'di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n'ya ay tama raw,
Mga nakarinig 'di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la'y napa-wow!

"... Pero ako, totoo 'ko eh ... ", sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya't wala na rin mga paliwanag mo.

"Kung ganyan, pakita na lang 'yan!", ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-"lang - lang" lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n'ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s'ya.

May mga komentong pwede nang pang-harapan,
"On camera" baga sa TV ang tawag d'yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.

Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa 'yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?

The breaking news breaks your heart — at 'yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika'y maa-abswelto,
'Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n'yo?
Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang "glitch" lang,
Tulad ng "two-zero" 'di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.

Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n'ya sa kaistupiduhan.

Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.

Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.

Maaari din namang pabayaan na s'ya,
Subalit ang nangyari'y mabigat talaga,
Namayapang pangulo'y huling paalam na,
'Di mo pa pinagbigyan ... hoy, nag-iisa ka!

At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s'yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga'y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.

This article is from PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sunday, August 9, 2009

LYCEANS: proven worst audience

At 10 am may duty ako sa CCP (Cultural Center of the Philippines)
The title of the show was "Apples from the Desert"

This show was also staged yesterday at the same venue (Tanghalang Aurelio Toletino also known as Little Theater)
Bago pa kami magbriefing, which is part of our 3-Quarter Rota, may naririnig na akong
not so good things about the show yesterday.
The show was sponsored by the Lyceum, basically, the audience were Lyceans.

Maingay daw ang mga audience, they were screaming during intervals, and their "wooos!" every time the scene gets a BIT sensible. And also during intervals e nilalabas nila ang mga cellphones nila to check for message or to text someone, na animo'y mga alitaptap na kumukurap kurap sa dilim! To think na merong cellphone advisory before the show. Kung hindi ako nagkakamali ganito ang CP anvisory ng CCP.

"We would like to request members of the audience to please turn off their cellphones 'coz it might interfere with the theater sound equipment. Thank you."

Ganian! hindi man sakto e ganian ang sinasabi ng voice over.

I was trying not to believe. Pushing myself that they are just exagerating what had happen. I was technically defending Lycean against my logical thinking. Because simply for the reason of I too, is a LYCEAN.

Moment of Truth.
30 minutes before the show nagstart na kami magpapasok ng audiende. This is called "Open House" in theater jargon.

At first they look okay. they follow our CAMADA. (I'm not sure of the spelling but that's how we say it, it means pushing the audience to occupy every vacant seat for we are expecting for Full House. Full House is another theater jargon which means that all tickets are sold.) Aside from the unevitable murmurs you will be hearing in all audience not only in Lycean audience.

My trust on what I believed in had starting to break through the moment I saw this Lycean CROSS-OVER the seats! My God tinapakan nia pa yung armrest! the last time nakita ko na may gumawa nun ay sa PICC sa mga intsik. that event pinaguusapan na namin ang kawalang manners ng mga chinese. and it shows. A Lycean did it. SHAME! ibig sabihin wala din TAYO manners?! damn.

Isa pa, nung tntry namin sila iCAMADA i heard one of them telling her friend
"Ano ba naman 'toh andaming bawal. Hindi naman namin gusto panuorin 'toh e!"

Bonggang nakakahiya! halatng inosente sa theater! my GOD! buti nalang ako lang nakarinig!

When all of them stood for the National Anthem e nagpapaingayan ng lagapak ng upuan ang mga sira ulo.

Thats the time na naniwala na ako sa mga sinasabi ng mga co-Usher/rettes ko.
Naisip k na para mapigilan ang isa pang problem nila na paggamit ng CP na nakwento samin e sinisita ko na lahat ng makita kong naglalabas ng fown na malapit sakin kahit kakalabas nia lang ng fown nia.

Meron pa. after interval, ang ingay nila sobra. siguro hindi sila magsesettle down hangga't hindi pa nagLIGHTS OFF! meron pang dalawang male audience na naglalaro ng PSP. kung hindi ko pa lalapitan at sasabihang patayin ung PSP e hindi pa ata gagawin un.. INILAWAN ku na nga sila para mapahiya! kung pwede ku lang sabihin na kung maglalaro lang kayo ay lumabas nalang kayo! badtrip!!

Lastly, hay salamat naman, last na ito sa lahat ng sentiments ko! after the show e kania kanya silang labas ng digicam. OK lang naman na magpicture. peru ung magpicture kau ng pareparehong pose tas iba ibang DGCAM?! hello? ndi ba nila alam na pwede namang iGRAB nalang?! almost 35mins kaming nakatayo dun para hintayin sila umalis. Pero gosh! after 35 mins. andun pa din sila! grabeh.. wala na ako masabi..

NAKAKAHIYA sa mga coworkers ko. alam pa naman nilang LYCEAN ako.
kahita ako SHOCKED! hindi ko akalain na ganun KASAMA!

LYCEANS ARE THE WORST AUDIENCE YOU'LL EVER HAVE!

akala ko dati sa batingaw lang un. kala ko na ang worst audience ng Letran ay Letranites, at sa Mapua ay ang Mapuans. AKALA KO LANG YUN!

I HAVE PROVEN LYCEANS ARE THE WORST!!