- ang nakakatakot at lumalaking populasyon ng mga unemployed -- matapos ang pagsisikap kong manguna sa klase at mapanatili ang scholarship ko at pagiging dean's lister naisip ko, matutulungan kaya talaga ako ng mataas kong grado para makakuha ng magandang trabaho kung saan kaya kong pag-aralin ang kapatid ko habang sinusustentohan ang mga luho ko? isa pa, sa dami naming ggraduate at sa iilang job opportunities ay talaga nga namang mag-aagawan kaming mga fresh grad na parang mga buwaya na hinagisan ng iisang buong manok.
- ang milyong milyong utang ko sa mga magulang ko -- kung kkwentahin ko lahat ng ginastos nila sakin mula ng ipanganak ako hanggang sa mga oras na ito na nakaupo ako sa tapat ng computer namin. isama mu na jan ang gatas, ang tuition, ang bayad sa internet connection, sa mga damit, sa lahat ng kinain ko at kung ano ano pang pinagtuturo ku nung bata ako hanggang ngayon. eh aabutin yata ako ng dalawang milyon! nako, kung magkakatrabaho ako na ang kita ay 20K isang buwan ilang dekada ko din babayaran ang mga magulang ko! paano na ang plano kong makapag-asawa bago ako magtrenta!!
- ang bumibigat na responsibilidad habang nadadagdagan ang aking edad -- nangunguna na jan ang eleksyon sa may 2010. simula ngayon hindi na pwede yung walang alam at walang pakialam sa pulitika. kasi sino mang maupo sa posisyon ay mararamdaman na namin ang epekto dahil pagbabayarin na kami ng buwis!
PeanutButter
- Ai Marie
- Manila, Philippines
- She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.
Friday, April 2, 2010
Dilemmas of a Graduating Student
matapos ang halos dalawang dekadang pagsusunog ng kilay, sa wakas matatapos ku na din ang pag-aaral ko. mapapakinabangan na din ako ng nanay ko pag nagkatrabaho ako. 21 days bago ang pagmarcha namin sa PICC. kung babalikan, nakailang ream na kaya ako ng bond paper para sa projects at research papers? ilang ink cartridges na rin kaya ang nabili ni mama para sa printer namen? tuwing ggraduate nalang ako andaming pumapasok sa utak ko. minsan gusto kong pahintuin muna ang oras, naisip ko kasi masyado na syang mabilis. parang kanina lang wala akong iniisip kundi ang paggcng sa umaga para makapasok sa eskuela. ngayon, ang dami dami ko ng iniisip.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

4 comments:
Nag blog kang muli kaibigan! hehehehe
nagcomment ka pala cza. XD
haha unga ee. ngaun lang ako nagblog ulit.. XD
follow mo din akoooo.
malikotnapinay.blogspot.com
follower mu na aku! :)
Post a Comment