PeanutButter

My photo
Manila, Philippines
She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.

Monday, July 28, 2008

Dadaanin ko Nalang sa Kanta! Lalala

12:30am

gising pa ako. kakalaro ng SIMS 2, ang tanging PC games na kinalolokohan ko. may okasyon ngaun. pero hindi ko naisip agad. father's day. kaya lang. wala lang sakin. wala naman ako paghahandaan ng surpresa o sasamahan kumaen sa labas. kaya ang araw na toh, wala lang. natulog na ako.

4:30am

nagising ako. ang aga ba? araw ngaun ng linggo. at paglinggo maaga kami nagsisimba. sa simbahan. wala ring iba. bukod sa bahagyang pagdami ng mga bilang ng nagsisimbang lalaki. [kadalasan kasi babae ang nagsisimba] natapos ang misa. bago ibigay ang huling basbas ng pare at hudyat ng katapusan ng misa, isang pastor ang umakyat sa alter, doon sa lugar na pinagbabasahan ng unang pagbasa. magbabasa siya, hindi isang mabuting balita mula sa diyos o isang awit mula sa bibliya, kundi, isang sulat. isang sulat na wari ba'y ibibigay niya sa kaniyang anak. napatigil ako. nakinig ako.

---------------------------------------

naisip ko. tama siya. maraming ipinag kait sating dalawa. mabibilang lang sa kamay ko ang mga araw na kasama kita. at kung kelan ang huli, limot ko na. hindi ko na rin maalala kung ano ang itsura mo, kung paano ka tumindig, at ngumiti. wala na akong matandaan. wala na.

kokonti lang ang impormasyong alam ko sayo. pangalan, trabaho, kung san ka nakadestino dati, ilocano, at salbahe. ayon sa salita ng nanay ko. lahat ng yan tinandaan ko. dahil yan lang ang mayayakap ko sa tuwing nananabik ako sayo.

pinagkait satin ang gisingin kita ng halik nung bata pa ako, magpatimpla ng gatas, magpabili sayo ng minatamis o kahit anong makakasira ng ngipin ko. pinagkait satin ang kumaen ng sabay sa hapag. kahit kwentuhan, kinuha satin.

siguro ay nakasalubong na kita sa daan ng minsang naglalakad ako sa kalsada. o nagkasabay ng sumakay ng elevator. lukso ng dugo. gaano ba kalapit dapat ang isang tao para maramdaman mong may koneksyon kayo? kung alam ko lang. sana nayakap na kita.

sana naging isang masayang pamilya tayo. buo. simple. masaya. katulad ng isang larawang ginuguhit ng isang paslit sa papel sa eskwelahan. payak. pero minsan, mahirap makuha. labing walong taon gulang na ako. tanggap ko na. na kailanman. hindi tayo magiging buo. na ako. ay parang isang tali na nagdudugtong sa dalawang tao. un lang. dugtong. wala ng iba.

------------------------------------

Dadaanin ko nalang sa kanta:

"When I need you, I just close my eyes and i'm with you."

kapag pinipikit ko mata ko, wala kang mukha. hindi ko na maalala. at kung maalala ko man. siguro nag-iba na ang itsura mo. tumanda.

"I hear your voice on the line, But it doesn't stop the pain..."

"Wherever you go, Whatever you do, I will be right here waiting for you."

January 17, 2002. huli kitang nakausap sa telepono. naiyak ako. sana hindi ko nalang sinabi kay mama. sana palihim nalang tayo naguusap. sana ngaun nakikita kita, nahahawakan.

Sumuko na ako sa pamilya natin. mali. hindi pala tayo natawag na pamilya kahit saglit. pero hindi ako susukong makita ka.

"In my dreams I'll always see you soar above the sky. In my heart there always be a place for you for all my life. I'll keep a part of you with me and everywhere I am there you'll be..."

Kalahati ko ay ikaw. kahit san ako mapadpad, my parte ng sakin na ikaw.

-----------------------------------------

pinakamahirap pag-alala nalang ang naiwan sayo. pero sakin. mali. may mas mahirap pa don. pinakamahirap ay ung kahit alaala, wala ka. wala kang babalikan. wala kang iisipin. wala kang gugunitain.

sana hindi ka pa sumusuko. sana katulad ko. umaasa ka pa.

tatlong taon. hahanapin kita. matapos ang tatlong taon. para kahit malaman ni mama at palayasin niya ako ng bahay, ayos lang. may trabaho na ako sa mga oras na iyon. siguro kaya ko na kung palayasin man ako. hintay lang tatang. mgkikita pa tayo.

palaka at daga. bukod dyan. may isa pa akong kinatatakutan. pagkalipas ng tatlong taon. bulaklak at kandila ang dala ko para sayo. sana hintayin mo pa ako. sana malakas ka. matagal na akong naghihintay. taon. at ikaw lang ang lalakeng hihinayin ko ng ganito katagal. tatlong taon. saglit lang yon. wag mo ipagkait sakin ang mayakap ka. dahil sa tuwing pumipikit ako at iniisip kita. laging yakap mo ako ang senario. at sa loob ng tatlong taon. gagawin ko yong makatotohanan. maghintay ka lang tatang.

------------------------------

TATANG: tatay sa ilokano

BALASANG: dalaga sa ilokano -- tawag sakin ni tatang kahit nung bata pa ako

-------------------------------

Happy Father's Day.

1 comment:

ako_si_imot said...

SADNESS is BEAUTIFUL, LONELINESS is TRAGICAL...