PeanutButter

My photo
Manila, Philippines
She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.

Monday, June 9, 2008

EDSA

Isang mainit na araw nagmamaneho ako sa may EDSA
I'm not sure kung saan ako papunta
Kahit mahal ang gasolina, sagot ko na
Basta sa roadtrip ko, kasama ko sya


Pinahinto niya bigla ang sasakyan
Pupunta lang sa tindahan ang paalam
Para bumili ng mamam
Hininto ko ang sasakyan tutal traffic naman


Libong sasakyan na ang lumipas
Wala pa rin ang ahas! [haha. sorry s kania la ku maisip na katunog pa]
May tiket na ako ng pulis
Naghintay pa rin sa kabila ng inis


Wala na ang traffic sa EDSA
Nakapark pa rin at nag-iisa
Naghintay ako dahil choice ko
Inintay ko sya kahit impatient ako


Tanong ko lang sa kanya, babalik ka pa ba?
O magda-drive nalang ako mag-isa
Ang chikot ko'y magoover heat na
Hindi na makapaghihintay pa


Aandar na ako pero nag-iwan ako ng mapa
Para kung sakaling bumalik sya
Upuan sa tabi ko ay bakante
Dahil sya lang ang gus2 kong makatabi


Maraming gustong sumama sa roadtrip ko
Pero sya lang ang pinili ko
Sa wakas, iiwan ko na rin ang EDSA
Kung makita mo siya'y pakisabi nalang sa kanya:


"Sa paglalakad wag masyadong lumayo sa EDSA,
Baka daan pabalik ay makalimutan mo na.
Kung nakabalik ka na sa EDSA at hindi mo ako nakita,
Magtext ka lang, magyu-u-turn ako masundo ka lang."

----------------------------------

EDSA - term na ginagamit ng kalabit sa mga taong hindi makamove on.

***ngaun, ikaw na ang maginterpret sa tulang nabasa mo. ^^

DUDE: salamat. naisip ko toh dahil sa subrang paggamit mu ng term na EDSA! hahahaha. paulit ulit sa text ayan nakagawa tuloy ako tula! thnx anyway. ^^

PARA sa AALAYAN ko neto: hoi! para sayo toh! magbasa ka naman sana ng blog! rambo ka! nagets mo pa ung tula? bawal slow ngaun ah!

KALABIT: ala lang. gus2 ku lang kau special mention. hahahaha. LOL

No comments: