Minsan. may pinabasa sakin si choi [christian fajardo]. "ang pagkakakilanlan sa PUP" ang title ng artikulo. natuwa ako sa aking nabasa. isang sikat na paaralan, pinaggalingan ng maraming matatagumpay ang karera ng buhay ngaun, may mga butas din pala. bigla akong natawa, naisip ko, kung butas lang din naman. hindi papatalo ang St. Clare jan. dito nagmula ang ideya ko na buuin ang talatang ito. ginawa ko ito nung 4th yr pa ako, sa tulong ng mga mapanlait kong kaibigang KALABIT PENGE.
hindi ko alam kung ang mga napuna namin noon ay ganun parin hanggang ngaun, o nabigyan na ng solusyon o nabago na. pero gus2 ko pa ring ishare. katuwaan nalang. ~.~
#1. may library pero hindi pwedeng pumasok ang high school, hindi pwedeng maguwi ng libro, at walang mga silbi ang mga library card. At higit sa lahat, ang librarian, estudyante!
#2. hindi lahat ng classroom naka-tiles. [may shortage sa budget!]
#3. may internet fee pero hindi pinapayagan ang mga estudyante na maginternet, ang dinadahilan pa minsan walang server!
#4. school na walang principal.
#5. pugad ng mga buraot. [kalabit penge: GUILTY!]
#6. science lab na ginagamit lang pag dumadalaw ang DepEd. [for display?]
#7. ang mga silid na pagpinatay daw ang ilaw ang nagiging Luneta. [daw?]
#8. talamak ang pagmumura ng mga guro. [good example]
#9. isama mo narin ang dalawang telephone booth na hindi nagana.
#10. ang ating mga classroom ay may WINDOOR. window na door pa!
#11. mawawala ba naman ang mga nagbabanguhan at naglilinisang mga CR? Kasi naman ang mga magaganda, bihira lang buksan [for display ulet?]
#12. pag hapon ay may amoy na nakakawindang na pag iyong nalanghap ay gumuguhit sa ilong hanggang sa kadulu-duluhan ng iyong lalamunan .[feeds]
#13. ang mga gwardia na nagiging entrepreneur pag exam na nagbbenta ng 7 yellow paper sa halagang 5 piso at graphing paper sa halagang 1.25 na talaga naming tinatangkilik ng mga makakalimuting estudyante.
#14. isang palatandaan pag-araw ng exam: ang umpok na mga estudyante sa lobby.
#15. nagwewelding ang mga construction worker sa araw na may pasok. [guto lang ata ng aksidente]
#16. ang di matapos tapos na construction at renovation ng aming paaralan.
#17. mga teachers na walang sariling chalk at eraser.
#18. nandyan din ang mga gurong walang ibang gstong gawin kundi kausapin ang blackboard [trans. TALKBOARD!] at gusto sila lagi ang tama.
#19. nandyan din ang electric fan na pinag-aawayan at pinag-aagawan ng mga estudyante lalo na pagkatapos ng PE subject tuwing Friday dahil sa hindi ito umiikot.
#20. paaralang walang bell [meron na ngaun sa tulong ng SGO]
#21. private school na pinaglilinis ang estudyante ng kwarto at hindi pa nakuntento pinagpupulot pa sa gym. [anung silbi ng isang dosenang janitor na buwan buwan may sweldo?]
#22. buwan-buwan may exam! Kabuang!
#23. walang yearbook.
#24. pwedeng kumaen kahit hindi recess.
#25. nap time ng humility [2005-2006] tuwing 1:00-2:20pm. [social at mapeh, kakaantok xe teacher.]
#26. may binibentang non-compulsary ticket ng NAASCU pero wag ka, required!
#27. nasa loob na ang laban ay nagbabayad pa rin ng tickets for NAASCU.
#28. ang mga teacher sa paaralang ito ay marunong mangarate, minsan pag sobrang galit nauuwi sa boxing ang karate. [teacher vs. student ang laban]
#29. sembreak: 3 days, kasama na ang sabado at lingo.
#30. hindi rin mawawala ang mga estudyanteng namamato sa gwardia tuwing hindi nagtatagumpay na makalabas sa school tuwing lunch break.
#31. JS: inumin? Softdrinks. Saan? Sa bote!
#32. HRM students na nagiging waiters at waitresses sa gabi ng JS.
#33. nandito sa St. Clare ang pinakamabait na tao sa buong mundo. [Mrs. Caronongan]
#34. tuwing St. Clare’s day required ang mga estudyanteng magdala ng tigdadalawang itlog at noodles.
#35. kahit sa kalagitnaan ng klase pwede kang magtxt, tumawag sa cellphone makipagchismisan o kahit magpatunog ng malakas gamit ang loudspeaker ng cellphone mo.
#36. computer lab na pagpapawisan ka sa sobrang lamig!
#37. sa dinarami rami ng computer iilan lang ang gumagana ang ilan ay nasira kakakutingting ng mga college students.
#38. sino ba namang estudyante ang makakalimot kay mam yolly na tuwing kumakanta ay napuputol ang litid at sumasadsad ang lalamunan.
#39. once in a blue moon lang pumasok ang mga varsity pero nakaka-marcha.
#40. walang test paper tuwing exam. meron man kukunot ang iyong nuo sa sobrang labo.
#41. makakalimutan ba ang mga war freak na estudyante na kung magsalpukan ay once a week? walang palya.
#42. hindi rin mawawala ang mga guro na pumapasok lang sa silid para [magturo? Hindi.] maupo!
#43. hindi lilipas ang isang linggo na walang mawawalan o mananakawan. Kaya sa oras na tumungtong ka sa St. Clare dapat kang maging alerto 24-oras!
#44. teacher ang magdidikta sa lovelife mo. Kung hindi ang maaari kang bumagsak o hindi naman kaya ay bumaba ang grades.
#45. No ID, No Entry. [pero Joke lang!]
#46. ang aming directress [dati] na pagyumuko, tusok puso, patay.
#47. nandito ang pinamasipag na guro na tuwing nagbibigay ng exam ay puro definition at enumeration sa katamarang magsulat ng test questions. At may pagka-allergic din ata sa chalk dahil hindi nagsusulat sa blackboard.
#48. hindi sini-celebrate ang UN Day at Linggo ng Wika.
#49. college students na kung saan-saan naglelesson. Makikita mu sila sa stage, sa gym sa bleacher at kung san san pa!
#50. ang mga materyales sa construction ay nakatambak sa volleyball court! [san niu kami expect na maglaro aber?]
#51. tuwing dadaan ka sa CR ng boys ay may malalanghap ka na di kanais nais na amoy na dulot ng mga estudyanteng hindi alam kung ano ang gamit ng tubig.
#52. classroom ng humility na walang saksakan. [nakicharge ako kay bruce dati! Sa room nila na katapat ng room namin.]
#53. kahit bagyo may pasok! Saka lang ika-cancel ang kalse pag halos gumiba na ang pader ng classroom. Ika-cancel ng 3pm isang oras bago maguwian.
ano? natawa ka ba? kung may gus2 kang idadag feel free to leave a comment.
ikaw? anong naaalala mo pag nababanggit ang ST. CLARE? ^^
PeanutButter
- Ai Marie
- Manila, Philippines
- She is the kind of girl who is always smiling and loves to laugh. If you are falling down, she will be right there to pick you up. She is the one that always says sorry, even if it's not her fault. Even if she is feeling like the scum of the earth, she will never let you know. This is the girl who is afraid of love, because she has already lost so much.
Monday, June 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment