Kappa Rhos - Tammy, Nirih, Pare, Pek & Tian
Ale sa ukay - na may hinala factor pa kung nakuha na nga ba ni nirih ung pera na worth 65 pesos mula sa mga damit na binenta nia sa ukay. Laging nakangiti parang inistaple na!
Kuya sa Dunkin' Donut - na walang panukli
Ma'am Joyce - nakapink na officer namin sa CAT na nakita ni nirih sa BDO habang first time niang magdedeposit ng pera (puro xe withdraw alam), at wala pa rin pinagbago
Barker ng FX na papuntang Sm North - na iritable dahil gus2 sana namin na sa likod na paupuin si tian (xe dun kami nakaupo, at apatan lang un eh lima kami)
Zeline - ka-comment ko sa FS na hindi alam ang tunay kong pagkatao, na nasingit lang sa usapan while riding sa FX
Eric Clemente - clasmates namin nung elementary na nastroke at nasama lang sa usapan gaya ni zeline with a "Z"
Ma'am Aika - nagpasa sakin ng ranggo na Lt. Col. (corps commander) na naka-yellow ng araw na yon at hindi namin napansing kasabay namin sa fx dahil nasa harap xa sa tabi ng driver's seat
Jowa ni Ma'am Aika - walang pangalan dahil kahit na schoolmate namin xa at sa College xa nag-aaral at one year lang ang tanda nia samin eh hindi xa sikat, kaya "no name"
Waiter na may mahiwagang mata - waiter na parang walang nakikitang iba kundi kalat, paulit ulit umiikot sa Yellow Cab para humanap ng kalat at pag nakahanap na ng kalat eh tatanggalin ng di man lang nagsasabi ng excuse o nagtatanong sa customer kung pwede nia na bang kunin o ano
Nagpaparent ng bicycles sa Circle - na super kaway sa amin ng makitang patungo kami sa rentahan ng bike para magrent. hala sila super dami talagang nakaway akala ko airport
The Emos - grupo ng mga kabataan na kahit summer at maulan eh nakaboots at kawirduhan ng mga damit (hindi napapanahon), kumbaga makaporma lang, muka silang sasayaw kaya naiisip namin na may event that night
Jogging Boiz - nagjojogging sa kalagitnaan ng Circle na with matching chant at 6pm! (new trend, ndi na sa umaga ang exercise)
Date: May 15, 2008
(SFX: tingenengeneng)
I woke up at 8:30 ng umaga. Usapan xe namin ng kalabit ay 10am sa 7-11 (official meeting place). Ang male-late bibili ng malaking slurpee. But suddenly nagGM si jaja na hindi na daw xa makakasama dahil matuluyan ang sakit nia (naulanan xe siya kagabi), pati si pek nagtext din na biglang may lakad ang kaniang mga magulang, which means walang maiiwan para magbantay sa mga kapatid niang grabe kung makapag-request. Ibig sabihin hindi na rin siya makakasama. So, apat nalang kami, ako, si tian, nirih and pare. Nagdalawang isip kaming ituloy xe hindi maxadong masaya pag kulang. pero dahil si tian ay matagal ng naghihintay sa Smile Village (tapat ng North Olympus) para lang sa lakad namin ng araw na un (taga Bulacan na xe si tian), eh tinuloy na namin.
Ang usapang 10, ay naging 11. Si tian na dumating sa 711 ng 10:20 ay matagal na naghintay, buti nalang mahaba ang pasenxa. dumating ako sa meeting place ng 10:50. si munirih hindi ko na naorasan ang pagdating. when she arrives nagpunta na kami dun sa ukayan na pinagbentahan nia ng ilang mga damit. andun si ate na nakangiti, katulad nga ng sinabi ko kanina ay nagdududa kung nakuha na ba ni nirih ung 65 pesos. pero habang nagdududa ay nakangiti parin! The when we finished our business with the ukayan, we rode a jeep papuntang Sm Fairview, there may nakasabay kaming lalaki na nakapula which is very familiar ang look samin. At tingin ko, namumukaan nia rin kami kasi panay tingin sa grupo namin.
At SM, magdedeposit si nirih ng pera sa bangko para sa pangenroll ng pinsan nia. dahil kailangang sakto ang ideposit na 1,900 (2k pera nia) nilibre nia kami ng donut sa dunkin' donut para mabaryahan ung pera nia, dahil walang panukli ung kuya sa dunkin' na naka-assign sa booth dun kami pumunta sa pwesto talaga. Nagpaiwan kami dun ni tian xe bawal ang tambay sa BDO. While waiting, dumating si pek, (nagtxt siya earlier na iiwan nlang daw ang mga bata sa Lolo at Lola nia, aun pwede naman pla eh) na naka-monochromatic. Sa kainipan namin pinuntahan na namin si nirih sa BDO at nakapila pa rin xa nung dumating kami. Katabi nia si Ma'am Joyce na hindi namin alam kung nakikipila din o nakiki-osyoso lang.
And then we went to SM department store para maglibot libot habang hinihintay ang napaka-agang dumating na si Pare. (10 usapan! past 1 dumating!) Finally, kumpleto na ang Kappa Rhos na aalis ngaun. We can set off. We went to the terminal kung saan ang mga FX ay patungong SM North, sakto, lima ang kulang at lima kami. Pinipilit namin na maupo na si tian sa likod dahil kasya naman. Pumayag naman ang barker pero pinagbabayad pa rin xa, kaya sabi ko dun na siya sa gitna! duh? kikita pa ng extra si manong anu siya talakitok?! On our way sa Trinoma, as always, maingay kami. Lagi naming naiirita ang mga kasabayan namin sa sasakyan dahil sa ingay namin. Ang dami dami naming pinagkkwentuhan, we talk 200 words per minute! Alin sa mga nasama sa usapan namin ay si zeline. un ka-comment ko sa FS na hindi alam na ako si ai tamanaha! (bronze goddess xe nakalagay sa FS)(kung gus2 mu malamang ang wento nia ay tingnan mo nalang sa mga comment sa FS prof ko.) at si Eric clemente na nastroke daw na binalita ni sir jo kay ate ron at binalita ni ate ron kay pare na binalita naman samin!
Ang we finally reached our destination, TRINOMA. While crossing the street. napansin ni pare na may kahawig ung baabe na bumaba sa parehong fx na sinasakyan namin a while ago. Nung tiningnan nila, it was ma'am aika! kasama ang boifrend niang di kasikatan na skulmate namin. all this time na nagiingay kami sa fx at hindi humihinto kakadakdak ay may kakilala pala kami sa loob. hindi naman kami sa nahiya, duh? kmi mahihiya?! naman! hinayaan nalang namin si aika kahit alam nia at alam namin na napansin namin ang isa't isa. hindi namin siya binati anyway.
Plano sana nila manuod ng sine, pero wala kaming mapanuod na maganda bukod sa iron man kaya lang napanuod na un nirih kaya di din pwede (sabi ko kasi Ploning na lang eh! ehehe) kaya kumain nalang kami sa yellow cab. umorder kami ng manhattan meatlover na 18" worth 700 (bago toh smin, xe fumafastfood lang kami lagi eh) at kaniya kaniyang bili ng softdrinks except kay nirih na mineral water ang inorder. Sobrang busog na kami sa laki ng pizza na feeling namin eh aabot na hanggang pangkinabukasan ung kinaen namin! pinilit parin namin maubos dahil ala nga namang ibalot namin tatatlong slice nalang! (square cut)
Nang naubos na ang pizza at nagkabondat bondat na kami sa dami ng nakaen. naghnap kami ng CR, at sa paghahanap namin may nakita kaming bilihan ng libro na sale. "99.00 Buy 1 Take 1" xempre, makakamura kaya bumili kami ng tig-iisa, except na naman kay nirih na di bumili dahil wala daw siyang pambili!
Eto ung mga nabili namin:
This Body - Tammy
The Haunter - Tian
Innocence - Pare
Nothing to Fall Back On - Pek
Sumakay na kami papuntang cirlce, bumaba sa NHA, at first time naming dumaan sa S. Belmonte Underpass (ung sa tapat ng QC Hall). Maulan ulan pa, ang layo ng nilakad namin para mahanap ung rentahan ng bike. When we're close to that place, biglang nagsulputan ang mga nag-aalok ng pa-rent ng bike na nagkukumaway sa aming lahat (telling na sakin na kau magrent ng bike). Hindi ba nila naisip na baka imbis na mag-rent at kumita ang isa sa kanila ay mawala pa ung customer dahil sa takot? Anyway, back to my story, nagrent kami ng 3 single at isang may side car which cost 80 each for an hour-and-a-half. (hindi kasi marunong magbike si pek kaya dun xa sa may side car!)
While nagpepedal, we encounter the Emos, na kumakanta ng "Getchingin" ng EB Babes. Muka silang sasayaw na ewan! Nakakapagod pala magbike. para na rin kaming nagexercise. Wooh, the sweat, the heat. Around 6:20 tinapos na namin ang aming Joy-Bike-Ride. Dahil padilim na din at naisipan pa naming daanan ang gitna ng Circle kung saan matatagpuan ang mataas na monumento kung saan nakalibing si Quezon. Nung tanaw na namin ang manumento, tanaw na din namin ang ilang kalalakihan na nagjojogging ng alas sais ng gabi with matching pachant chant pa. After non, napagdisisyonan na naming bumalik sa SM dahil madilim na din.
Ang haba ng nilalakaran papuntang sakayan. Tumawid kami sa dalawang overpass at nadulas pa si nirih nung malapit na kaming makababa. Yackness, umulan pa aman kaya maputik. ewww. Sumakay kami sa jeep at siningil ng 20 papuntang sm, which i think is mahal. xe ung kasabay ku nga lagi galing lawton to caltex 20 lang din ang binabayad estudyante kalayo kaya nun!
And our journey ends there, naghiwahiwalay na kami ng baba. Ako lang pala humiwalay xe pinapauwi na ako ni mama dhil nanalo daw xa sa bingo ng 5k at may balato ako! wawawa. ^^
P.S
Hindi ko na maxadong dinitailed pa ang mga pangyayari. Dahil if i will, sosobra ang haba nito! just sharing kung pano kami magspend ng isang buong araw na magkakasama. pra hindi naman magtaka ung iba kung bakit ganun nalang kami kabond, at pinaghihinalaan pa kaming isang FRAT! Masaya lang talaga, puro tawanan. Sobrang at ease, pwede mong sabihin lahat ng gus2 mong sabihin ng hindi magaalalang baka maging masama ka sa mata nila o mag-aalalang makakalabas sa iba ung sinabi mo. pagmagkakasama kami parang hindi nauubusan ng topic, lahat pwedeng iopen. walang tinatago, walang plastikan. at un ang sikreto kung bakit we're still standing as KALABIT PENGE. katulad ng unang tag line namin, at napatunayan na rin namin, na hindi kami matitinag!. dba nuh? dba nuh?
Last P.S.
JAJA! wawawa. wawa may sakit di nakasama. hehe next time!

No comments:
Post a Comment